PROJECT C.L.A.I.M.
CLAIM Set No. 41 - Kristianong Pagpapayo
Article Index
Kristianong Pagpapayo
Ang aklat na ito’y nagbibigay ng malinaw na pag-unawa, kaalaman, at kasanayan ukol sa pagpapayong-Kristiano (Christian counseling). Sinikap ng may-akda na ipaliwanag ang pagpapayo ayon sa kanyang natutunan, karanasan sa gawaing ito bilang isang pastor, at bunga na rin ng pagtuturo nito sa mahaba-habang panahon.
Isinulat ang PAGPAPAYO para sa kapakinabangan ng mga pastor, matatanda at mga manggagawa ng iglesya, at mga estudyante sa Bible school. Mahalagang matutunan ang tamang pagpapayo dahil tuwirang naisasali ito sa konteksto ng pagpapastor, at napapaloob din sa ministeryo ng pagdalaw (visitation). Ang ilan sa mahahalagang paksa na tinatalakay sa aklat ay ang mga sumusunod:
Kahalagahan ng pagpapayo sa ating panahon
Kaibahan ng pagpapayong-Kristiano
Mga saloobin at katangian na dapat makita sa isang tagapayo
Angkop na mga kakayahan at kasanayan na dapat tamuhin ng tagapayo
Gabay sa pakikinig
Mga alituntunin sa ugnayan ng tagapayo sa pinapayuhan
Mga pahiwatig (non-verbal language) ng pinapayuhan
Etika ng pagpapayo
Matututunan din ng mambabasa at magkakaroon siya ng kompiyansa sa kung paano ang pagpapayo sa iba’t ibang kalagayan tulad ng:
Pakikitungo sa taong may guilt (sumbat-budhi)
Isang homosexual
Naguguluhang kabataan
Mag-asawang may problema
Taong nagdadalamhati
Taong humaharap sa kamatayan
ISBN 971-724-106-7
Pages: 86
Size: 5.25 x 8.25